Ang mga alituntunin ng laro ay karagdagan sa general terms and condition. Sa pagkakataon ng pagkaka-ban o pagnanais na alamin kung alin ang maari at ipinagbabawal, kailangan ding basahin ang general terms and condition, lalong lalo na ang §7.

Ang pagsubok na tumaliwas at umiwas sa mga alituntunin ng laro ay isang paglabag ng alituntunin at mayroong angkop na kaparusahan. Ang lahat ng alituntunin ay sumasaklaw sa lahat ng manlalaro, kahit na para sa mga manlalarong gustong burahin o nagbubura na ng kanilang account.


  • §1. Account

    • §1.1 Ang mga manlalaro ay maari lamang magkaroon at magpatakbo ng isang account kada game world.
    • §1.2 Ang nagmamay-ari ng isang account ay siya ring nagmamay-ari ng email address na ginamit sa account na iyon. Kung nais na palitan ang email address para sa laro, maari itong gawin sa iyong account (Profile > Account) sa “palitan ang email address”. Sa mga kaso na mayroong pag-aalinlangan, maaring tanungin ang Multihunter kung tama ang kanilang email address para sa beripikasyon.
    • §1.3 Ang pagpapasa ng password ay isang paglabag sa alituntunin at mayroong karampatang parusa. Eksepsyon: Dual Accounts; Ito ay pinapayagan sa kaso ng manlalaro sa dual account at ang mga manlalaro ay walang ibang account sa parehong server. (Ang dual account ay ang paglalaro ng higit sa isang manlalaro [na walang ibang account sa server na iyon] sa iisang account.) Ang mga account na konektado sa pamamagitan ng pagiging sitter o parehong pc ang gamit (same pc usage) ay hindi maaring magkaroon ng parehong password.
    • §1.4 Ang permanenteng pagsisit sa isang account kung wala ang tunay na may-ari ay pinapayagan lamang hanggang 14 na araw.
    • §1.5 Ang mga manlalaro na naglalaro sa iisang computer at ninanais na magamit ang account ng isa't isa ay kailangang gamitin ang sitter function.
    • §1.6 Ang nagmamay-ari ng account ay ang siyang responsable sa kahit anumang gawin ng kanyang mga sitter o dual account players.


  • §2. Mga Interaksyon

    • §2.1 Ang isang manlalaro ay pinapayagan lamang na magpadala ng hindi lalagpas sa isang oras na produksyon ng likas-yaman sa ibang manlalaro kada araw. Sa kaso ng pagpapadala sa maraming manlalaro, ang produksyong pang isang oras ay kailangang hatiin ng patas, ng walang kinalaman sa laki ng padadalhang manlalaro. Ang isang oras na produksyon ay ang total ng lahat ng produksyon ng likas-yaman ng lahat ng baryo ng hindi ibinabawas ang upkeep ng mga hukbo.
    • §2.2 Sa mga sitter, at sa mga manlalaro na gumagamit ng iisang pc lamang, maari na makipagpalitan ng likas-yaman sa ratio na 1 sa 1 lamang.
    • §2.3 Ang isang manlalaro ay pinapayagang suplayan ang kanyang mga hukbo ng pananim kung ang mga ito ay dagdag hukbo sa ibang account at ang account na ito ay inaatake.
    • §2.4 Ang account na nagmamay-ari ng Hiwaga ng Mundo, plano ng konstruksyon o artifact ay maaring padalhan ng likas-yaman ng walang limit.
    • §2.5 Ang pag-atake ng kahit anu pa mang uri sa gitna ng mga manlalarong konektado sa sitter function o parehong pc na gamit ay ipinagbabawal. Kung tatanggalin ang koneksyon na ito, kailangan munang maghintay ng dalawang araw bago gawin ang pag-atake.
    • §2.6 Ang pagsakop ng mga baryo sa mga manlalaro na konektado sa sitter function o paggamit ng parehong pc ay ipinagbabawal hanggang dalawang linggo mula sa pagtanggal ng nasabing koneksyon. Dagdag pa, ang pagsakop ng isang baryo ng isang account na kasama sa alyansa, konpederasyon o mga manlalaro na dating magkasama sa alyansa o konpederasyon ay ipinagbabawal hanggang dalawang araw.


  • §3. Netiquette

    • §3.1 Ang pagbebenta ng hukbo, likas-yaman o gawain ng manlalaro o account ay ipinagbabawal. Ito rin ay sumasaklaw sa oras na ginugol sa isang account at/o mga account na konektado sa pagbibigay sa mga auction.
    • §3.2 Ang pang-iinsulto, panghahamak o anu pa mang kaduda-dudang pakikitungo ng kahit anumang paraan at kahit saan pa mang parte ng laro na may kinalaman sa ibang manlalaro ay hindi pinahihintulutan at parurusahan.
    • §3.3 Ang lahat ng komunikasyon sa laro ay kailangang sa salitang Filipino at/o Ingles lamang. Kasama rin dito ang profiles ng mga account at mga alyansa.
    • §3.4 Ang pang-bablackmail ay ipinagbabawal. Ang pakikipagnegosasyon na sinimulan ng mas mahinang manlalaro na ang layunin ay ayusin ang alitan ay hindi nireregula sa talatang ito.
    • §3.5 Ang mga advertisement na kahit anumang uri, spam at chain mail ay ipinagbabawal.
    • §3.6 Ang paglalabas sa publiko ng battle reports sa porum o sa laro nang walang batid na permiso mula sa parehong koponan ay ipinagbabawal. Kasama rin dito ang paglalabas sa publiko ng mga in game messages (IGMs) o mga email mula at galing sa ibang manlalaro, mga Multihunter o Administrator.
    • §3.7 Ang sapilitang pagpilit sa ibang manlalaro na burahin ang kanilang account, gawing sitter o gawing dual account, paghingi ng password, o pag-pilit na labagin ang alituntunin ay ipinagbabawal.
    • §3.8 Ang pagsasamantala sa mga pagkakamali sa laro ay ipinagbabawal at parurusahan. Gayun din ang paggamit ng scripts, bots at mga katulad nito. Ang laro ay dapat laruin sa pamamagitan ng browser na walang kahit anong modipikasyon na ginawa para sa larong Travian. Ang mga graphic pack ay eksepsyon sa alituntuning ito.
    • §3.9 Ang pag-gaya sa mga opisyal ng Travian, paggamit ng imoral o mga pangalang opensiba ay ipinagbabawal at parurusahan ng dagliang pagbura.


  • §4. Administratibong Regulasyon

    • §4.1 Sa mga kaso ng paglabag sa mga alituntunin ng laro, ang mga Multihunter o ang Administrator ang magdedesisyon ng kaparusahan. Ang mga likas-yaman, gusali, baryo, hukbo na nawala habang naka-ban ay hindi papalitan kailanman. Ang mga manlalaro ay hindi maaring humingi ng kabayaran o pagpapalit sa Travian Gold at/o Plus na nawala dahil sa pagkaka-ban. Ang mga manlalaro na gumagamit ng Travian Gold at/o Plus ay hindi bibigyan ng espesyal na pakikitungo ayon sa mga alituntunin ng laro, kasama dito ang oras ng pagpoproseso at kaparusahan.
    • §4.2 Ang mga Multihunter ay ang tanging dudulugin kung may kinalaman sa paglabag sa mga alituntunin ng laro sa game world na iyong pinaglalaruan. Ang mga manlalaro ay maaring makipagrason sa mga Multihunter gamit ang in game messages (IGMs) upang ayusin ang isyu. Sa kaso ng maling desisyon na may sapat na dahilan, maaring kontakin ang admin@travian.ph.
    • §4.3 Ang Travian Team ay mayroong karapatang palitan o baguhin ang mga alituntunin kahit anu pa mang oras.
    • §4.4 Kung ang isang indibidwal na regulasyon sa mga alituntunin na ito ay maging inepektibo, ang maapektuhan lamang ay ang partikular na regulasyon na iyon, at hindi maapektuhan sa kahit anu pa mang paraan ang pagka-balido ng mga natirang alituntunin. Ang Administrator ay responsable sa pagpalit ng mga regulasyong hindi na epektibo sa pinakamabilis na paraan. Ang isang draft ng bagong alituntunin, gayunpaman, ay maaring gamitin sa mga account na kasalukuyang naka-ban, kahit na hindi pa nailalathala ang mga ito.
  • Newsbox-1
    Paalala,

    Ang mga CAPTCHA po ay lumilitaw kapag napapansin ng server na laging online ang account, may kahina-hinalang mga aktibidad, bukod pa sa ibang mga bagay. Importante po na sagutan ito lagi upang maiwasan ang pagkakaban.

    Salamat,
    ezra


    Reminder,

    The CAPTCHA appears automatically when the server detects that an account is suspiciously always online, when an abnormality with the account is present, among other things. It is important to answer this to prevent your account from being banned.

    Regards
    ezra
    Newsbox-2
    Isang pagbati,

    Ang Server 3 ay nagsimula na noong ika-11 ng Agosto.

    Sumasainyo,
    ezra


    Greetings,

    Server 3 has started on the 11th of August.

    Regards,
    ezra
    FAQ | Screenshots | Links | Mga alituntunin sa laro | Kasunduan | Imprenta
    Choose your World Schließen
    Mga manlalaro: 6275
    Online: 155
    ph3 login
    Mga manlalaro: 2614
    Online: 88
    ph1 login
    1938
    98
    ph2 login
    3570
    348
    phx login
    Choose your WorldSchließen
    Mga manlalaro: 6275
    Online: 155
    ph3 pagpapatala
    Mga manlalaro: 2614
    Online: 88
    ph1 pagpapatala